Mababang bilang ng nagpaparehistro sa Local Artist Registry sa Tinambac, Camarines Sur, naitala

CAMARINES SUR-Ilang linggo makalipas na opisyal na ilunsad sa bayan ng Tinambac, sa Partido Area ang local artist registration, nakapagtala ang lokal na gobierno nang mababang bilang nang mga nagpaparehistro rito.

Ayon sa datos na ibinahagi sa Brigada News FM Naga ng Internal Audit Service Office  sa pangunguna ni Neslie Barrameda, nasa mahigit animnapung indibidwal pa lamang ang nakakapagtala sa nasabing programa, mababa kumpara sa inaasahan ng LGU. Ang itinuturong dahilan nito ay ang problema at kawalan ng internet connection sa nasabing bayan at limitadong kaalaman ng mga local artists tungkol sa nasabing batas.

“Knowing the area itself, the geographical location ng Tinambac na hindi lahat may access sa internet [connection] at sa pag-disseminate ng information, yon yong isa sa mga challenges, at yong iba naman hindi pa masyadong aware doon sa kung ano ba talaga yong law regarding sa creative artist,” ani Barrameda.

Panawagan ngayon ng lokal na pamahalaan sa mga local artist sa nasabing bayan na magparehistro na, habang isusunod naman ang orientation sa mga nakapagparehistro na. Ang local artist registration ay nakapalaman sa Philippine Creative Industries Development Act kung saan hinihikayat ang mga indibidwal na nasa creative industries na magparehistro sa kahit saan man sa siyam na domain  kabilang ang  Audio Visuals, Digital Interactive Media, Creative Services, Design, Publishing Arts, Performing Arts, Visual Arts, Traditional Cultural Expressions, at Cultural Sites.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *