Macbook Air Laptops ipinamahagi ng Bataan sa mga Secondary teachers at School Heads

Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Macbook Air Laptops sa mga secondary teachers at school heads ng mga pampublikong paaralan sa probinsya.

Ito aygagamitin umano mga guro at punong guro sa kanilang trabaho at sa pagpapatupad ng programa sa paggamit ng XEPTO Learning Management System (LMS) na layong magkaroon ng access ang amga mag-aaral sa learning materials na ginagamit ng mga guro kahit sila ay nasa kanilang sariling bahay at malinang ang pagiging self-learner ng ating mga mag-aaral.

Kaakibat rin ito ng inilunsad na Fiber to Home Project: Libreng Internet para sa Edukasyon.

Pinasalamatan ni Gov. Joet Garcia ang mga guro sa kanilang serbisyo kasabay ng turnover ceremony nakalipas na Lunes sa Bataan People’s Center.//Jen bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Gov. Joet Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *