Mackenyu Arata – Zoro ng One Piece, bumisita sa Pilipinas

Pinakilig ni Mackenyu Arata o kilala bilang Zoro ng One Piece ang Filipino fans sa kanyang pagbisita sa 2023 Manila Pop Culture Convention (ManiPopCon).

Ayon kay Mackenyu, isang karangalan ang mainit na pagtanggap ng kanyang mga tagahanga sa Pilipinas.

Ibinahagi din ng aktor na ilang buwan siyang nagsanay para sa kakaibang three-sword style ni Zoro.

Sa mga hindi nakakaalam, si Mackenyu ay anak ng legendary Japanese actor at martial artist na si Sonny Ichiba kaya’t nasa dugo na nito at natural na para sa kanya ang mga fighting scenes.

Samantala, dismayado ang ibang fans na nakipag-picture sa kanya dahil masyadong malayo ito at bawal pa mahawakan.

Nabatid na ganoon daw talaga ang mga Japanese artists dahil para sa kanila ito’y pagrerespeto sa kanilang mga artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *