NAGA CITY – Dumadami ang mga reported na area sa Camarines Sur maging sa sakop ng Camarines Sur II Electric Cooperative, Inc. o CASURECO 2 ang bigla na lang nawawalan ng supply ng kuryente, dahil sa pagdami rin ng mga nag-ooverload nang mga power transformer, kapag mataas kasi ang demand sa paggamit ng kuryente mataas rin ang nagiging kunsumo nito.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Rinner Bucay, Information Officer ng Kooperatiba.
Kung kaya’t asahan lalo na ngayong summer season ang madalas na mga power interruption. Maliban pa riyan, panahon rin kasi ang summer season ng preventive maintenance o pag-aayos sa mga distribution line lalo na ang mga power transformer, may mga power interruption na ngang naka-schedule na.
Dagdag pa ng opisyal, ngayong tag-init normal na magiging manipis ang supply ng kuryente lalo na’t dumarami ang mga nakukunsumo at maaaring maranasan hanggang Agosto dahil sa inaasahang El Niño Phenomenon.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…