Local News

Legazpi Mayor Rosal, tiniyak ang suporta sa Palarong Bicol; PHP1M pondo, inilaan

LEGAZPI CITY – Tiniyak ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal ang kanyang suporta kasama ang buong lokal na pamahalaan sa gaganaping Modified Palarong Bicol, kung saan ang lunsod ang magiging host nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa alkalde, sinabi niyang naglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan ng lunsod na nagkakahalagang humigit-kumulang isang milyumpiso para sa nasabing sports competition.

Ang nasabing pondo ay gagamitin umano sa pag-improve ng mga playing venues o mga pasilidad para rito.

Sinabi pa ni Rosal, tuwing magkakaroon ng palaro sa rehiyon ay lagi na siyang sumusuporta lalo na’t maraming mga atleta sa lunsod ang mahuhusay.

Binigyang-diin din nito na karamihan sa playing venues ay gagawin sa lunsod, kung kaya’t nararapat lamang na ayusin ang mga pasilidad.

Sa ngayon ay patuloy din naman ang pag-iinspeksyon sa mga pasilidad upang matiyak na ang mga gagamitin ay maayos at walang problema sa araw mismo ng pagbubukas ng palaro.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

21 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

21 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago