Local News

Madalas na presensiya ng HPG sa mga kalsada walang kinalaman sa paparating na eleksyon

CAMARINES NORTE- Nilinaw nang PNP Highway Patrol Group na walang kinalaman sa paparating na eleksyon ang madalas nilang presensiya sa kalsada.

Kapansin- pansin kasi na kung dati ay isang beses lang sa isang linggo naglulunsad ng operasyon ang “Guardians of the Highway” o ang tinawag nitong Oplan Lambat Bitag Sasakyan, ngayon ay nagiging madalas na ito kung hindi man araw- araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, ipinaliwanag ni Police Major Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG sa Camarines Norte na isang beses lang talaga dapat kada isang linggo ang pagsasagawa ng Oplan Lambat Bitag Sasakyan.

Pero para umano hindi sila napuwe- pwersa sa iisang araw lang ay ginagawa na lamang aniya nila ng mas madalas.

Katuwang ng HPG sa naturang operasyon ang local police at enforcers.

Paalala ni Quila sa mga motorista na upang maiwasan ang problema ay sumunod na lamang sa batas para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Aniya, mas mainam na araw- araw silang nakikita sa kalsada kaysa naman walang makikitang awtoridad.

“Ituwid lang po ninyo ang inyong mga sasakyan, ang inyong sarili huwag lumabag sa batas at mas maganda nga po na araw araw nakikita niyo kami sa kalsada kaysa po wala kayong nakikitang awtoridad,” ani Quila.

Maliban naman sa pagpapatupad ng batas ay mayroon ding mga Barangayanihan activities ang HPG tulad ng pagsuporta sa Brigada Eskwela, tree planting at iba pa.

(Photos: PNP HPG)

BNFM Daet

Recent Posts

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

3 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

11 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

14 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

21 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago