Madalas na surprise visit sa mga LGU-run hospital sa Sorsogon, asahan

SORSOGON CITY—Asahan na umano ang mga surprise visit sa mga pampublikong ospital na pinatatakbo ng provincial government sa ilalim ng pamamahala ng bagong upong gobernador ng Sorsogon.

Ito ay matapos na ihayag ni Governor Edwin Boboy Hamor sa kanyang sorpresang pagbisita sa Sorsogon Provincial Hospital kahapon na gagawin niyang mas madalas ang pagbisita sa mga ospital.

Layunin anya ng surprise visit na makita ang tunay na kalagayan ng mga pasyente, kung naaalagan ang mga ito at kung maayos na ginagampanan ng mga empleyado ang kanilang mga trabaho.

Kaugnay nito ay nangako ang opisyal na mas aayusin pa ang serbisyo ng SPH at titiyakin ang sapat na suplay ng mga gamot.

Nagpasalamat din ito kay Senator Francis “Chiz” Escudero sa pagsasaayos ng mga pasilidad at gusali ng mga pampublikong ospital sa lalawigan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *