Mag-amang Regional most wanted sa Bicol, arestado sa Metro Manila

SORSOGON CITY – Sabay na naaresto sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila ang mag-ama na itinuturing na most wanted ng Bicol region.

Nasa kostudiya na ng CIDG-Masbate ang mag-ama na sina Orlando Race Torres, 61-anyos ng Deparo St. Brgy 168, Caloocan City at Eron Mingoy Torres, 23-anyos, na naninirahan na sa Brgy Maria Clara, Proj. 4, Quezon City.

Si Eron ay itinuturing na No. 4 Regional most wanted person habang ang ama naman nito na si Orlando ay Rank No. 5 Regional most wanted.

Ang mag-ama ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 44, Masbate City sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Ang pag-aresto ay pinangunahan ng CIDG-Masbate, Aroroy MPS, RIU / PIT5 ng Masbate sa pakikipagtulungan sa QCPD at Caloocan City Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *