Mag-asawa sa UK pang world record dahil sa halos 2 feet na tangkad ng babae sa asawang lalaki

Karaniwan na sa mga mag-asawa na mas mataas ang lalaki kesa sa babae. Kahit milya-milya o dipa pa ang agwat, okay lang kasi babae naman.

Pero alam nyo ba na sa UK, isang mag-asawa ang kinilala ng Guinness Book of world records matapos maitala ang halos dalawang talampakang agwat sa taas ng babae sa asawa nitong lalaki?

Ang mag-asawang sina James at Chloe Lusted ay ikinasal noong 2016 at naging hindi pangkaraniwan sa mata ng publiko tuwing sila ay magkasama sa labas dahil sa tangkad ng babae sa mister nito.

Si James kasi ay 3 feet, 7 inches ang taas habang 5 feet, 5 inches naman si Chloe o nasa 1 foot, 10 inches ang kanilang agwat.

Pero hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ng dalawa ang kanilang pagmamahalan hanggang sa kanilang road to forever.

Si James na ngayon ay 33-anyos na ay isang aktor at TV host habang ang 27-anyos naman na si Chloe ay isang guro at nagkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan noong 2012.

Napag-alaman na mayroong diastrophic dysplasia si James mula nang ito’y ipinanganak, isang pambihirang uri ng dwarfism na nakakaaapekto sa buto at cartilage development.

“Our love story has taught us and taught others that you can’t judge a book by its cover, and just to love the person no matter who they are. I don’t think you can choose who you fall in love with,” ayon kay Chloe. || Shiela Madrigalejos

(Photo: Guinness World Records)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *