Mag-asawa, sugatan sa pamamaril sa Lucena City; Gunman, patay


Sugatan ang mag-asawa matapos itong pagbabarilin ng isang lalaki sa Barangay 5, Lucena City nitong gabi ng Martes, Pebrero 20.

Ayon sa police report, bandang alas-8:30 ng gabi, naglalakad umano noon ang biktimang si Janeth, 56-anyos nang malapitan itong binaril sa ulo ng suspek na si alyas “Noel”, 66-anyos.

Matapos ito ay agad na nagtungo ang suspek sa bahay ni Janeth at doon nito binaril si Fernando, 54-anyos na siyang tumama sa likuran nito.

Samantala, nagawa umanong maagaw ni Fernando ang Caliber 38 mula sa suspek at nabaril ito na naging sanhi ng kanyang pagkasawi habang ang mga biktima naman ay isinugod sa hospital para malapatan ng lunas.

Dating alitan umano ang tinitingnang motibo sa nasabing pamamaril.

Sa ngayon, kinokonsidera nang sarado ang kaso dahil sa pagkasawi ng nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *