Mag-asawang nangmaltrato sa kasambahay sa Occidental Mindoro, pareho nang naka-detain sa Senado

Ipina-contempt na rin sa Senado ni Senator Raffy Tulfo ang asawa ni France Ruiz na si Pablo Ruiz matapos ang paiba-iba nitong sagot kaugnay sa kasong pangmamaltrato na ikinabulag ni Elvie Vergara.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), parehong bagsak
sa inilabas na resulta ng polygraph test ang mag-asawa.

Bagamat nagpapakita ng indikasyon ng “deception” o pagsisinungaling ang resulta ng polygrah test ay binigyang-linaw ni Senador Francis Tolentino na hindi ito magagamit bilang ebidensya.

Samantala, pinaliwanag ni Tolentino na maari itong magamit sa pagresolba ng mga administrative at labor cases katulad ng sinasabi sa Supreme Court Ruling.

Maalala, una ng pina-contempt nitong nakaraang linggo si France matapos ang di umanong pagsisinungaling nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *