Mag-asawang politiko, nagpalitan lang ng ‘upuan’ sa lungsod ng Masbate

SORSOGON CITY – Nagpalitan lang ng posisyon o ‘upuan’ ang isang mag-asawa sa lungsod ng Masbate.

Dahil walang kalaban o ‘unopposed,’ si Socrates Tuason ng PDP-Laban ay ipinroklama na ng Comelec bilang bagong alkalde ng lungsod makaraang makalikom ito ng 32, 846 na boto sa 30 barangay sa lungsod.

Pinalitan niya ang posisyon mula sa kanyang asawa na incumbent city mayor na si Rowena Tuason, mula din sa parehong partido at kasabay na prinoklama ng Comelec sa pagkapanalo ng 25, 754 na boto bilang city vice-mayor laban sa nag-iisang karibal nito na si Alex San Pablo na nakakuha ng botong 21, 115.

Kasabay din na ipinroklama ang 12 Konsehal ng lungsod na pinangunahan ng top notcher konsehal na incumbent city vice-mayor na si Ruby Sanchez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *