Mag-ina, patay sa nangyaring sunog sa Cagayan

Patay ang mag-inang senior citizen matapos masunog ang tinitirhang bahay sa Brgy. Centro Norte, Gattaran, Cagayan noong March 20, 2022.

Ayon sa Cagayan PIO, kinilala ang mga biktima na si Marcelina Bernardo, 90-anyos at anak nito na si Roger Bernard, 60-anyos na kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ng PNP Gattaran, napabayaang nakasinding kandila umano ang naging sanhi ng sunog.

Napag-alamang nakaugalian na umano ng biktimang si Marcelina na magsindi ng kandila habang siya ay nagrorosaryo at nakaligtaang patayin ito.

Nailabas na ng mga residente ang mga biktima habang inaapula ng otoridad ang sunog subalit nang malaman umano ni Roger na bumalik sa loob ng kanilang bahay ang kaniyang inau pang kunin ang titulo ng kanilang lupa ay sinundan na niya ito.

Dahil dito, hindi nakalabas pa ang mag-ina sa kanilang bahay dahil sa paglaki ng apoy.

Kabilang sa mga rumespondeng BFP ay mula Lal-lo, Lasam at Camalaniugan dahil hindi na nakayanan pa ng dalawang firetruck ng Gattaran Fire Station na apulahin ang sunog na umabot na sa second alarm.

Nadamay rin sa sunog ang bahay na pagmamay-ari ng isang retiradong guro.

Tinatayang 3 milyon pesos naman na halaga ng pinsala ang naitala sa nangyaring sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *