Mag-ina pinagtataga; suspek huli sa hot pursuit operations

SORSOGON CITY – Huli ng mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operations ang suspek sa pananaga sa mag-ina sa bayan ng San Pascual, Masbate.

Kinilala ang suspek na si Felipe Cuyos Rosaciña, 58-anyos, may asawa, magsasaka at naninirahan sa Sitio Cabugao, Brgy Ki-Romero ng nasabing bayan.

Una rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng report sa insidente ng pananaga sa mag-inang sina Praxedes Olinares Rosales, 60-anyos at Praxedio Olinares Rosales, 25-anyos.

Nakaupo lamang umano ang mag-ina sa kanilang balkonahe nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na pinagtataga ang mga biktima.

Nakorner ng rumespondeng pulis at barangay officials ang suspek sa Sitio Suba ng nasabing barangay at nadis-armahan ito ng hawak na itak.

Sa update na nakalap ng Brigada News, nasa maayos na na kalagayan si Praxedes habang ang anak nito ay nananatiling nasa ICU.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa sa suspek.

or

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *