Mag-ina sa Mexico, ikinulong matapos mahulog sa isa’t-isa at magka-ibigan

New Mexico— Gumawa ng malaking ingay sa New Mexico ang kinahinatnan ng mag-ina sa naturang bansa matapos ang mga itong magmahalan hindi bilang “mag-ina” kundi bilang magkasintahan.

Batay sa ulat, nagsimula ang hindi pangkaraniwang ‘love story’ ng dalawa nang isilang ni Monica Mares ang kanyang anak na si Caleb Peterson, 18 taon na ang nakakaraan.

Edad 16 na taong gulang pa lamang noon si Monica nang isilang niya ang kanyang anak na si Caleb, ngunit ipina-ampon niya ito at hindi sakanya lumaki ang anak.

Matapos ang ilang taon, nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng Facebook,  kung kaya’t sila ay nagkasundong magkita at magkakilala bilang “mag-ina.”

Lumipas ang panahon, ang pagiging malapit ng mag-ina ay humantong sa mas malalim na relasyon matapos na mahulog ang loob ni Monica sakanyang anak na si Caleb at ganun din si Caleb sakanyang ina.

Walang takot na ipinakita ng mag-ina sa publiko ang kanilang relasyon at hindi nila ito inilihim, kung kaya’t isa sakanilang mga kapitbahay ang nagsuplong sakanila sa mga otoridad dahil ang kanilang pagmamahalan ay maituturing na “incest” at labag umano sa batas.

Dahil dito, napatunayang guilty ang dalawa kung kaya’t pinagbawalan sila ng korte na magkita sa loob ng 18 buwan habang pansamantala din silang ikinulong.

Ganunpaman, sinabi ni Caleb at Monica na walang sinuman ang makakapigil sakanilang pag-iibigan at nakatakda umano silang lumipat sa ibang bansa kung saan legal ang kanilang pagsasama at hindi ito magiging mali sa paningin ng tao at sa mata ng batas.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *