Mag-ina, tinaga ng lasing sa San Andres, Quezon; Nanay, patay

Patay ang isang ginang habang sugatan ang anak nito matapos tagain ng lalaking noo’y lasing sa Barangay Tala, San Andres, Quezon nitong Lunes, Abril 1.

Ayon sa report, nagtungo umano ang suspek na si alyas “Gary”, 34-anyos, sa bahay ng mga biktima at doon na nito walang anu-anong sinaksak ang kanyang biyenan na si Leonor Beñegas, 56-anyos habang nataga naman ang anak nitong si Rosalie Ortega, 34-anyos, matapos nitong lumapit upang tulungan ang kanyang ina.

Agad na tumakas ang suspek habang ang mga biktima naman ay isinugod sa hospital para malapatan ng lunas subalit binawian ng buhay si Leonora habang sumasailalim sa gamutan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay PMaj Angelo Abarsoza ng San Andres MPS, galit umano ang motibo ng suspek sa krimen.

Napag-alaman din na dati nang nakalaboso ang suspek matapos tagain ang sariling ama.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *