Mag-live-in partner, nagtagaan sa Quezon Palawan

Nagtagaan ang mag-live-in partner nitong Miyerkules May 18, 2022 bandang alas-kwatro ng hapon sa Purok Magtulongan, Sitio Bliss, Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan.

Kinilala ang mag-live-in partner na sina Rogelio Sanico Y Colendres, 75 anyos, isang fish vendor habang kinilala naman ang kinakasama nito na si Rosalina Zulueta Y Magada, 62 anyos, isa ring fish vendor at pawang mga residente sa lugar.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Quezon PNP, parehas na nakikipag-inuman ang dalawa sa kanilang kapitbahay at ng makauwi na ang mga ito ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Rosalina, nakahiga ito sa kama ng bigla tagain siyang sa bahaging ulo, nang maagaw naman nito ang itak ay tinaga rin nito ang kinakasama.

Samantala, sabay na isinugod sa pagamutan ang dalawa upang lapatan ng lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *