Mag-tiyuhin, patay sa pamamaril habang nasa burol ng biktima rin ng pamamaril sa San Antonio, Quezon

Patay ang mag-tiyuhin matapos itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek habang nasa burol ang mga ito sa Barangay Poblacion, San Antonio, Quezon nitong Miyerkules, Enero 17.

Kinilala ang mga biktima na sina Juan Isagani Mangundayao at Juan Leo Mangundayao, parehong nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Pulo, ng nasabing bayan.

Ayon sa police report, nag-iinuman umano noon sa burol ni Jay-R Matanguihan ang mga biktima kasama ang ilan pang mga kalalakihan nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na tumama sa iba’t-ibang bahagi ng mga katawan nito.

Isinugod sa hospital ang mga biktima subalit kalaunan ay binawian rin ang mga ito ng buhay habang ang mga suspek naman ay tumakas matapos ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. Inaalam rin kung may kaugnayan ang pamamaril sa mga biktima sa naunang pamamaril sa isang meatshop noong Enero 12 sa nasabing bayan na ikinasawi ni Jay-R Matanguihan at ni Mark Johndel Robles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *