Makamandag na ahas, natagpuan sa biniling letsugas

Sydney, Australia—Ang mga makamandag na ahas ay kalimitang natatagpuan sa wild o kagubatan dahil ito ang nagsisilbi nilang tirahan. Kaya’t laking gulat ng isang lalaki sa Sydney, Australia nang matagpuan nito ang isang makamandag na ahas sa loob ng supot ng kanyang pinamiling letsugas sa supermarket.

Ganun na lamang ang hilakbot ni Alex White at ng kanyang maybahay nang matuklasang may kumikislot sa loob ng plastic wrapper ng letsugas na kanya na sanang bubuksan upang hugasan.

Akala niya noong una ito ay isang bulate lamang ngunit nang ilabas na nito ang mapulang dila, saka nila napagtanto na ito pala ay isang Pale-headed snake.

Pinagtulungan nila ng kanyang asawa na ilagay ito sa isang food container upang hindi makawala at saka sila humingi ng tulong sa WIRES – isang animal rescue organization.

Ang “Pale headed snake” ay isang uri ng makamandag na ahas gaya ng cobra na kayang pumatay ng tao kapag nanuklaw ito.

Sakabila ng perwisyo at panganib na naidulot sa mag-asawa, inihayag ni White na hindi na sila magsasampa ng reklamo sa supermarket na kanilang pinagbilhan ng letsugas habang nangako naman ang pamunuan nito na magsasagawa sila ng imbestigasyon kung paano nakapasok ang ahas doon at mas pagbubutihin pa ang kanilang pagn inspeksiyon sa mga itinitindang produkto. || BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *