Magkapatid na nanggahasa at nakabuntis sa kanilang pinsan, himas rehas

Naipasakamay na sa Cagayan Provincial Jail ang magkapatid na nanggahasa umano sa kanilang menor de edad na pinsan sa Peñablanca, Cagayan.

Ayon kay PLT Juliet Quinagoran ang Deputy Chief Of Police ng PNP Peñablanca, kinilala na ang mga suspek na sina alyas Hunyo, 21-anyos, Top 3 sa regional level at alyas Jun, 20-anyos, top 7 provincial level na kapwa residente ng Barangay Namabbalayan.

Naaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga otoridad sa kasong 2 counts of rape bawat isa kung saan walang inirekomendang piyansa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, na ngayo’y walong buwan nang buntis ang biktima at nakatakdang manganak sa susunod na buwan.

Taong 2015 umano nang unang pagsamantalahan ni Hunyo ang biktima sa bahay ng kanilang hipag habang September 2021 naman nang hinalay ito ni Alyas Jun kung saan muling naulit ang panggagahasa ng dalawa noong October at December, 2021 maging nitong Enero 2022.

Napag-alaman na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang magkapatid nang isagawa ang kahalayan.

Tinatakot umano ng mga ito ang kanilang pinsan upang hindi magsumbong sa kaniyang ama ngunit nang ilang buwan ng hindi dinadatnan ng dalaw at pagbabago sa pag-uugali nito ay dun pa lamang siya nakapagsumbong.

Hindi naman umano makapaniwala ang magulang ng biktima na magagawa ng dalawang magkapatid ang panghahalay gayong nakikituloy lamang ang mga ito sa kanilang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *