Magkasintahan sa China, binitay matapos ihulog ang mga anak ng lalaki sa unang asawa

Binitay ang magkasintahan sa China matapos ihulog sa 15th-floor window ng kanilang apartment ang mga anak ng lalaki sa una nitong asawa.

Sa unang ulat, pinalabas ng magkasintahan na akisdenteng nahulog ang 2-taong gulang na babae at 1-taong gulang na lalaki.

Nakita umanong hadlang ng babae ang mga anak ng lalaki para magsimula ng bagong pamilya.

Napagalaman ring maraming beses na niyang inudyok ang lalaki na patayin ang kanyang mga anak at kung hindi umano ito gawin ng lalaki ay hihiwalayan niya ito.

Nangyari ang krimen habang naglalaro malapit sa bintana ng bedroom ang mga bata noong November 2020, ngunit nasintensyahan lang sila ng bitay makalipas ang isang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *