Local News

Maglive-in partner na kapwa miyembro ng NPA, arestado sa Masbate

SORSOGON CITY – Arestado ang maglive-in partner na kapwa kasapi ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) sa bayan ng Batuan, Masbate.

Armas ng arrest order, inaresto ng pinagsanig na puwersa ng Batuan Police at iba pang mga operatiba ng PNP at Phil Army sina Veverly Garganta Cantonjos, 61-anyos, itinuturing din na No, 10 most wanted person ng Batuan Police at ang 50-anyos na si Edgar Cabug Cantronjos. Ang mga ito umano ay miyembro ng Sangay Partido sa Lokalidad sa ilalim ng pamumuno ni Eliseo Cabarles alias Kiko ng Platun 2, Larangan 1, Komite Probinsyal 4 ng Bicol Reg’l Party Committee (BRPC).

Ang magpartner ay inaresto sa Sitio Lubag, Brgy Costarica ng nasabing bayan sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 50-San Jacinto, Masbate sa kasong multiple attempted murder.

Ayon sa ulat, sina Cantonjos umano ay imbuwelto sa pananambang at pagpapasabog ng IED noong Hunyo 2, 2019 sa Sitio Kawayan, Brgy Caṅelas, San Fernando, Masbate na nagdulot ng pinsala sa mga sundalo ng Bravo Coy ng 2IB, Phil Army.

Sa kaugnay na balita, hinainan na rin ng kani-kanilang warrant of arrest sina Edgar Calolot Cantonjos alias Balilo, 46-anyos, may asawa, magsasaka at Leopolde Cantre Badiana, 28-anyos, binata, magsasaka kapwa naninirahan sa Brgy Caṅelas, San Fernando, Masbate.

Batay sa ulat, mga poste at supporter umano ng NPA ang dalawa sa ilalim ng Platun 2, L1 KP4, BRPC.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC Br 50 sa kasong multiple attempted murder na may kaukulang piyansa na P120, 000.00 bawat isa.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago