Magnanakaw sa New York, natukoy dahil sa kaniyang makulay na salawal

Sabi nila tayo mismo ang magdidikta ng ating kapalaran kung paano magkakaroon ng kulay at saysay ang ating buhay.

Ngunit, kung usupang pagiging makulay, tila kamalasan ata ang naging hatid nito sa isang lalaki sa New York, USA.

Ito’y matapos matukoy ng otoridad ang pagkakakilanlan ng isa sa mga lalaking nagnakaw sa isang tindahan ng sigarilyo sa Queens dahil sa kaniyang makulay na ‘underwear.’

Iyan ay matapos na mamukhaan ng isang Instagram user na babae ang suspek nang mapadaan ang post nito sa kaniyang account at dito niya nga nakita ang makulay na ‘underwear’ na siya namang tugma sa CCTV video na ipinapakalat ng mga kapulisan sa social media.

Ganunpaman, maituturing ngang may saysay ang pagkabuhay kung makulay ang pananaw mo sa buhay.

Ngunit, para sa lalaking ito, mistulang ang pagkakaroon pala ng makulay na ’underwear’ ang siyang maghahatid sa kaniyang kapahamakan bilang isa na ngayong ’prisoner’. ###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *