Magnolia, target makuha ang pang-anim na kampeonato

Target makuha ng Magnolia Hotshots ang kanilang pang-anim na kampeonato.

Sa likod nina import Tyler Bey, Jio Jalalon, Mark Barroca ay malinis na nakakuha ng 5-0 ang Hotshots sa kanilang nagdaan na mga laro.

Kalaban ng Hotshots ang Blackwater Bossing ngayong alas-otso ng gabi sa Season 48 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Samantala, hindi pa nakapaglalaro si Filipino Basketball Forward at kilala sa tawag na ‘The Beast’ na si Calvin Abueva bunsod ng calf strain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *