Magsasakang top 1 most wanted person sa kasong panggagahasa, arestado

Arestado ang isang magsasakang na Number 1 Most Wanted Person na sangkot sa kasong pangagahasa sa Nueva Vizcaya.

Ito ay matapos ang isinagawang operasyon ng pinagsanib pwersang NVPIU, Dupax del Sur PS at Kasibu Police Station kahapon, July 02,2021.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang suspek na si Junie Buahon, 30 anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Tukod, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ang naturang suspek ay may nakabinbing kasong 2 counts of rape at 2counts rape by sexual assault na walang katumbas na piyansa.

Naaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ni Hukom Paul Attolba ng Regional Trial Court Branch 30 sa Bayombong, Nueva Vizcaya noong June 15, 2021.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nang pauwi na umano ang biktima galing sa simbahan ay pinilit umano ni Buahon na sumama  sa bahay ng kaibigan ng suspek kung saan nangyari ang panghahalay.

Tinakot umano ng mga suspek ang biktima na huwag magsumbong sa kapulisan ngunit makalipas ang 10 araw ay nagpasya itong sumailalim sa medical examination kung saan lumabas na positibo itong nagahasa.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Kasibu Police Station para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *