Magsayo, nangakong babalik na mas malakas matapos matalo sa world title

Naging masigasig parin ang Filipino boxer na si Mark “Magnifico” Magsayo sa kabila ng kanyang pagkatalo laban kay Rey Vargas sa kanilang WBC featherweight championship bout sa San Antonio, Texas, kahapon.

Pumasok si Magsayo sa naturang match sa pag-asang mapatunayan ang January victory laban kay Gary Russell Jr. para maging bagong kampeon, pero nauwi sa split decision defeat.

Sa kabila na napatumba nito si Vargas sa ninth round, nakuha parin ng Mexican ang boto ng dalawang sa tatlong judges sa ringside, para maging bagong WBC featherweight champion.

Samantala, ilang oras matapos ang laban, binati ni Magsayo si Vargas, at tinawag ang match bilang learning experience para sa kanya.

Sa ngayon, may hawak si Magsayo na 24-1 win-loss record. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *