Uncategorized

Mahal, pumanaw sa edad na 46

Pumanaw na ang 46-anyos na komedyante na si Noemi Tesorero, o mas kilala sa pangalang “Mahal” nitong Martes dahil sa kumplikasyon na dulot ng COVID-19.

Nakumpirma ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang Facebook post ng babaeng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero, na kasalukuyang nasa U.S. ngayon.

Sinabi niya sa post, “Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule sa kanyang burol. Due to Covid.”

Sa interview naman kasama ang Pep.ph ay sinabi ni Irene, na nakaranas si Mahal ng gastroenteritis, habang meron rin itong pre-existing conditions tulad ng high blood pressure.

Naikwento ng kapatid ni Mahal na nasa Tanauan, Batangas ang komedyante kasama ang kaibigan nito na si Mygz Molino, na partner nito sa paggawa ng Youtube vlogs.

Ipinunto ni Irene, na dahil sa edad ni Mahal at sa kondisyon nito na dwarfism ay naging high risk ito sa Covid.

Nabanggit rin nito na kamakailan ay pumanaw rin ang kanilang ama noong August 5 sa edad na 74 na dahilan kung bakit sila hirap na tanggapin ang mga pangyayari at magluksa.

Ibinahagi rin ni Irene na lagi niyang nakakausap ang kaniyang kapatid sa telepono, ngunit kahit kailan ay hindi sinabi ni Mahal na meron itong dinadaing na sakit.

Mababatid na mabilis ang naging pagsikat ni Mahal sa showbiz dahil sa kaniyang itsura at height na 3 feet.

Isa sa mga sikat na roles na ginampanan ni Mahal ay ang karakter na si “Kokey” mula sa pelikula na may parehong pamagat noong 1997.

Huli naman siyang nakita sa primetime series na “Owe My Love” at sa isang episode ng “Dear Uge” ngayong taon.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

24 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

24 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago