Maharlika Investment Fund ibinida ni Pangulong Marcos sa APEC Summit

Ibinida na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Maharlika Investment Funds (MIF) sa APEC Summit sa Amerika.

Sinabi ni Pangulong Marcos na nasa 80 infrastructure project ang natukoy nilang popondohan ng MIF.

Siniguro rin ng pangulo sa APEC Summit na tinutugunan nila ang isyu ng inflation o pagtaas ng bilihin.

Una ng sinabi ng White House ang ginanap na pulong ay para sa pagpapalalim ng security tights at economic cooperations ng Pilipinas at Amerika.

Samantala, dumalo rin si pangulong Marcos sa paglagda ng ilang kasunduan kabilang dito ang paggamit ng AI sa weather forecasting system, pagtatayo ng specialty oncology hospital, $20M investment para sa manufacturing facility, meralco-ultra safe nuclear cooperation deal, at pagkakaroon ng internet satellites na dedicated lang sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *