Mahigit ₱2M na halaga ng shabu nasabat sa Naga!

NAGA CITY- Dumayo sa Naga City ang isang lalaki mula sa Pasig City para sa transaksyon sa ilegal na droga.

Sa ikinasang drug buy bust operation sa Maharlika Highway  Barangay Concepcion Pequeña ng pinag isang puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 at mga unit ng Naga City Police Office (NCPO) kumagat sa kanilang pain ang subject sa Maharlika Highway, nakabili ang posteng buyer ng isang supot ng hinihinalang shabu sa suspek sa halagang P200,000.00. 

Sa body search na rekober din ang tatlo pang mga supot laman ang parehong item. Sa pang kabuohan aabot sa 300 gramo ang nakumpiska, may dangerous drugs board value na ₱2,040,000.00.

Mahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.          

Ayon kay PltCol. Chester Pomar resulta ito ng pinagsama-samang impormasyon na nakalap ng mga operatiba. Posible aniyang may babagsakan nito ng item sa Naga City.

Kung hindi nasabat ilang buhay pa ang masisira dahil sa masamang bisyo o kalakaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *