Mahigit ₱320k halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa 2 lalaki sa Candelaria, Quezon

Himas-rehas ngayon ang dalawang lalaki matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Huwebes, Pebrero 8.

Ayon sa police report, bandang alas-6:10 ng gabi ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Orly”, 47-anyos, lider umano ng Dela Peña Drug Group at alyas “Wen”, 50-anyos.

Nasabat sa suspek ang mahigit labinlimang (15) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱320,000.

Kumpiskado rin ang isang (1) coin purse, isang (1) plate number at isang (1) motorsiklo.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *