Mahigit 1.1 milyong indibidwal sa Isabela; nabakunahan na ng covid-19 vaccine

Kabuuang 1,174,279 na mga indibidwal sa lalawigan ng Isabela ang nakapag-avail na ng COVID-19 vaccine.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng National Immunization Program-Isabela Integrated Health Office nitong November 29, 2021.

Nasa 777, 229 na katao o 70.88% ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna habang nasa 401,050 na indibidwal o 37.19% ang fully vaccinated na.

Dahil dito, umakyat pa sa 70.88% ng 70% target population ang nabakunahan na kontra COVID-19 at nasa 102% na rin vaccination consumption.

Isang daang porsyento na ang bakunado sa A1 priority list o mga health workers; 80.6% sa mga senior citizen; 102.04% sa mga may comorbid; 146.9% sa mga A4 o essential workers; 60.4% sa A5 o indigent population.

Habang nasa 4,776 ang nabakunahan na sa Pediatric A3 o mga kabataan na edad 12 anyos hanggang 17.

Samantala, nasa kabuuang 55,000 doses ng Astrazeneca Vaccine ang dumating sa Integrated Provincial Health Office nitong November 28, 2021.

Ayon kay National Health Immunization Program Coordinator Chamille Claravall, ang 32,600 doses ang ilalaan para sa 1st dose habang ang natitira rito ay para sa 2nd dose.

Nauna na rin itong naipamahagi sa mga ibat ibang LGU’s na gagamitin para sa nagpapatuloy na tatlong araw na National Vaccination Day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *