Mahigit 100 kabataan dumalo sa teenage pregnancy awareness seminar sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Aabot sa mahigit isang daang kabataan ang dumalo sa teenage pregnancy awareness and values enhancement for youth na ginanap sa Basud Sports Complex, Basud, Camarines Norte kahapon.

Ang mga dumalo ay kinabibilangan ng Sangguniang Kabataan Officials at ilang piling estudyante ng Basud National High School, San Felipe National High School at Dominador Narido High School.

Ang aktibidad ay joint project ng Municipal Advisory Group for  Police Transformation and Development (MAGPTD) at Basud Municipal Police Station.

Kabilang sa mga lecturer ay si Municipal Health Officer Dr. Joel Delos Reyes, Provincial Tourism Officer Bong Palma at ang PNP Women and Chilfdren Protection Desk.

Sumentro ang talakayan patungkol problema sa teenage pregnancy sa bansa at ano ang mga maaaring gawin para ito ay maiwasan.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba sa 5.4 percent noong 2022 ang mga kaso ng teenage pregnancy kumpara sa 8. 6 % noong 2017.

Isa ang Bicol Region sa may pinakamababang percentage ng teenage pregnancy sa bansa noong nabanggit na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *