Mahigit 100 kilo na Sea turtle natagpuang patay sa Camarines Sur

NAGA CITY –Tinatantiyang nasa mahigit 100 kilo ang bigat ng natagpuang patay na Green Sea Turtle sa karagatan na sakop ng Barangay Castillo sa bayan ng Cabusao Camarines Sur kahapon Enero 2, 2024. Agad namang inilibing ng mga otoridad dahil sa nasa stage of decomposition na.

Natagpuan itong inaanod-anod sa baybayin ng Castillo kaya ipinaalam agad ito sa  opisina ni Abner Avizola ng Wildlife Enforcement Officer at Municipal Tourism Officer ng naturang bayan, ayon naman sa kanya ay ilang araw ng patay ng matagpuan ng mga residente doon.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Avizola, napag-alaman na malaki aniya ito at nakapanghihinayang na namatay lamang sa hindi pa malamang dahilan.

Sinabi naman ni Castillo Barangay Kagawad Jack Perez, Chairman ng Enviroment and Sanitation na ikalawang beses na itong may napadpad na patay na pagong o pawikan sa kanilang baybayin na pinaniniwalaang galing sa ibang bahagi ng San Miguel Bay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *