Mahigit 100 na stalls, apektado ng sunog sa Iriga City Public Market

CAMARINES SUR- Nanlulumong mga negosyante at naghihinayang na mga mata ang bungad sa Iriga City Public Market kahapon matapos masunog nitong Biyernes ng madaling araw; sa inisyal na pagtataya ng Bureau of Fire Protection umabot sa 109 na mga stalls na naapektuhan.

Sa pagharap sa media niCity Fire Marshal CINSP Jun Jen  Novela, binanggit nito na nag simula ang apoy sa electrical wirings mula sa poste. Isa-isang linamon ng apoy ang mga satlls at nasunog ang mga paninda tulad ng bigas, mga gulay pati naiwang pera.

Umabot sa P32 milyon ang pinsala, nadamay ang gusali na pag mamay-ari ng LGU, parte ng PNR at tatlong mga kabahayan.  Ayon kay Mayor Rex Oliva, pag-uusapan nila ang mga hakbang para sa mabilis na recovery at pag relocate sa mga apektado.

Umabot sa mahigit dalawang oras bago nadeklarang fire out. Pinasalamatan ni Oliva ang mga tumulong sa BFP Iriga , partikular na ang BFP Naga City, Bato, Nabua, Buhi, Pili, Baao, Balatan, BFP Provincial Office, PNP Iriga City, volunteer Fire Groups; Chin Po Tong at Naga White.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *