Mahigit 10,000 mga hayop sa Albay, inaasahang ililikas dahil sa banta ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inaasahang mahigit 10,000 mga hayop sa lalawigan ng Albay ang ililikas dahil sa banta ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Albay Provincial Veterinarian, Dr. Pancho Mella, kasunod ito ng pagtaas sa alert level 3 ng bulkan at ang mga hayop na ililikas ay ang mga nasa loob ng danger zone.

Aniya, ang mga ito ay mula sa 42 barangay na lubhang maaapektuhan sa oras na mas lumala pa ang sitwasyon ng bulkan.

Sa ngayon, activated na ang Albay Animal Emergency Response Team upang makatulong sa paglilikas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *