Luzon

Mahigit 110 toneladang basura, nahakot ng Naga City SWMO sa kakatapos pa lamang ng Valentine’s Day

NAGA CITY – Umabot sa mahigit 110 toneladang basura ang nahakot ng Naga City Solid Waste Management Office (SWMO) sa kakatapos pa lamang na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kahapon.

Kung saan bago pa man ang nasabing selebrasyon siniguro na ng opisina na malinis ang lungsod lalo na sa mga plaza, sa mga commercial establishment, sa mga area ng mga nagbebenta ng mga bulaklak at sa ilang venue lalo na maraming tao rin ang nagdiwang ng nasabing okasyon.

Sa panayam kay Engineer Joel Martin, Head ng SWMO, sinabi nitong lagi naman silang nakahanda lalo na pag ganitong may mga okasyon, bukas din sa pagdagdag ng mga personahe lalo na ngayong mas dumami ang volume ng mga basurang nahahakot nila araw-araw. Ang 100 tonelada ay umaabot na ng 110 hanggang 120 toneladang basura araw-araw resulta ng lumalago pang negosyo sa lungsod.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago