Local News

Single ticketing system posibleng ipatupad sa buong bansa – LTO

CAMARINES NORTE- Posible umanong ipatupad rin sa buong bansa sa mga susunod na araw ang single ticketing system na sinisimulan na ngayon sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni LTO Daet Assistant Chief Roberto Candelaria sa naging panayan ng Brigada News FM.

Ayon kay Candelaria pinag uusapan na rin daw kasi ang posibilidad na ipatupad ang ganitong sistema sa buong bansa pero sa ngayon ay nakatuon lang muna sa Metro Manila ang implementasyon nito at posibleng isunod na rin sa mga probinsiya.

Tungkol naman sa pag iisyu ng violation ticket kung alin ang mananaig, ticket ba ng LTO o ng LGU, ani Candelaria depende ito sa magiging pag uusap at sa mapagkakasunduan.

Pero posible umanong maging “uniform” na o isang ticket na lang ang gagamitin.

Kung pag uusapan naman daw ang legality ang palaging mananaig ay national law.

Ipinapatupad ang single ticketing system sa National Capital Region para magkaroon ng uniform policy sa traffic violations at penalty system.

Nakapaloob din sa ganitong sistema ang  pagkakaroon ng interconnectivity sa LTO at maging standard ang pamamaraan sa panghuhuli ng mga violators.

Sa ilalim nito ay lilikha ng unified at clear guidelines sa mga paglabag, tulad sa disregarding traffic sign, reckless driving, illegal parking (may driver o wala), pagmamaneho ng walang lisensya, overspeeding, pagmamaneho ng hindi rehistradong behikulo, illegal counterflow, obstruction at paglabag sa number coding.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago