Mahigit 116,000 bakunado na laban sa tigdas at polio sa Camarines Sur; 136 hindi pinabakunahan

CAMARINES SUR-9 na araw bago magtapos ang malawakang Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) 2023 umabot na sa 116, 427 ang bakunado sa Camarines Sur pero 61.05% pa lamang ito ng target.

Sa nakuhang datus ng Brigada News FM Naga sa Department of Health Bicol, aabot pa sa 74,000 ang hindi na nababakunahan sa target na mahigit 190,000. Pangalawa sa pinaka mababa sa porsyento sa Bicol Region kung pagbabasehan ang target population.

Sa bilang na ito 2, 530 ang na deferred, ito ang may lagnat at iba pang kondisyon na hindi pa pwedeng bakunahan. Mayroon  ding 136 na mga nag refuse o ayaw talagang pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas at tigdas hangin o mabigyan ng oral polio vaccine.

Ang komplikasyon ng naturang mga sakit ay maaaring magdulot ng kamatayan.

Una nang sinabi ni Regional Director Ernie Vera sa Brigada News FM Naga na halos limang dekada nang ginagamit ang bakunang ito kaya ligtas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *