Mahigit 12-oras na biyahe PITX to Camarines Sur, asahan

NAGA CITY- Mahabang pasensya ang pakiusap sa mga pasaherong pauwi sa Camarines Sur at Bicol Region ngayong Semana Santa; mahigit 12-oras na biyahe kase ang inaasahan mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ayon kay Bicol Central Station Terminal Manager Nonoy Reforsado, pataas ng pataas ang bilang ng mga dumarating na bus ngayon. Kung noong Enero, 144 ang average sa peak operation, nakapagtala na ng 196 bus arrivals nitong Marso 24 at inasahan ang pagdagdag pa ngayong araw dahil wala nang pasok sa eskwela at half day na opisina ng gobyerno.

Dagdag ni Reforsado bukod sa maraming bus, marami rin ang mga pribadong sasakyang ba-biyahe kung kaya asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko papasok sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *