Categories: Editors PickLuzonNaga

Mahigit 15,500 na indibidwal, inilikas sa Camarines Sur

Umabot sa 15,511 indibidwal o 3, 830 pamilya ang inilikas dahil sa Bagyong Bising sa Camarines Sur, hanggang kahapon nasa ilalim ng Wind Signal No. 2 ang silangang bahagi ng lalawigan.

Pinakamaraming naitala ang bayan ng Presentacion na mayroong 3, 136 indibidwal o 733 na pamilya. Dahil sa patuloy na pag-ulan kahapon, sinabi ni MDRRM Officer Regina Bea na nadagdagan pa ang kanilang evacuees ng mahigit 200 na pamilya.

Ayon pa sa MDRRM Officer sinikap nilang mailikas kaagad ang mga nasa coastal barangays at landslide prone areas.
Ang mga hindi pumunta sa evacuation centers ay namalagi sa mga Kabarangay Shelters, mga kaanak o mga may malalaking bahay na maaaring magpatuloy.

Kulang kase aniya ang evacuation center lalo pa ngayong may pandemya.

Pagbabahagi pa ni Bea, ganito rin ang sitwasyon sa iba pang mga bayan , sinikap na masunod ang social distancing upang maiwasan ang paghawa ng COVID-19.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago