Mahigit 2.5million na trabaho, target ng gobyerno katuwang ang private sector

Tinalakay sa pagpupulong nina Pangulong Bongbong Marcos kasama ang Private Sector Advisory Council o PSAC ang patungkol sa kanilang layunin na makalikha ng 2.5 million na trabaho para sa mga Pilipino pagsapit ng taong 2028.

Sa pagpupulong nitong nakalipas na araw, inilatag ng PSAC ang kanilang mga proposed actions at recommendations kung papaano maisasakatuparan ang kanilang plano.

Kabilang din sa iprinesenta sa Pangulo ang roadmap ng PSAC at ng IT and Business Process Association Philippines IBPAP upang gawing global leader in the digital domain ang Pilipinas.

Sa ilalim ng naturang roadmap, target nilang magbukas ng 1 milyong karagdagang trabaho sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa 2028.

Gayundin sa industriya ng food, logistics, real estate, retail, and transportation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *