Local News

Mahigit 20 na kaso ng Dengue naitala sa bayan ng Bulan

Nagtala ang bayan ng Bulan ng 24 na kaso ng dengue mula sa 17 barangay simula noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon, pahayag ito sa panayam sa DOH representative na isang nurse sa nasabing bayan.

Ayon pa dito, halos weekly ay nagkakaroon ng kaso ng nasabing sakit na dulot ng virus kung kaya’t bukod sa 17 barangay, ay minomonitor ngayon ng RHU ang barangay Aquino at J. Gerona na meron nang kaso ng dengue.

Sa ngayon, nananatili umano ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit dahil sa kumbinasyon ng maulan at mainit na panahon na isang sanhi ng pagbilis na maging larva ang itlog ng mga lamok.

Nagsagawa na ng mga prevention and control measures ang mga barangay na apektado maging ang mga paaralan na sakop ng mga barangay.

Maliban dito, patuloy din ang pag-disseminate ng 5S strategy o ang  search and destroy mosquito breeding sites; uphold self-protection like using of insect repellents; seek early consultation at the nearest health care facility; support fogging, spraying, and misting in hot spot areas; and sustain hydration.

Ang dengue ay isang sakit na dulot ng virus kaya’t hindi kinakailangan ng antibiotics na para sa bacteria.

Sa ngayon ay wala pang gamot ang dengue. Hydration o sapat na tubig sa katawan ang pangunahing management sa sakit na ito.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Cebu City Mayor Michael Rama gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension

Gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension si Cebu City Mayor Michael Rama sa…

44 mins ago

19-anyos nga misuway og layat sa Marcelo Fernan Bridge, na rescue

Nasalbar ang 19-anyos nga lalaki nga padung untang molayat kaganihang buntag sa Marcelo Fernan Bridge…

2 hours ago

Lalaki nga bag-ong laya sa bilanggoan, gipusil-patay

Patay diha dayon ang usa ka lalaki  nga kapin lang sa semana nga nakagawas sa…

2 hours ago

Security plan sa Kaadlawan sang Roxas, plastado na

Plastado na ang igapatuman nga security plan kag traffic scheme nga ginhikutar sang Roxas City…

3 hours ago

Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na…

3 hours ago

Lolo sang napatay nga menor, indi mabaton ang natabo sa iya apo

Indi sa gihapon mabaton sang pamilya ni "Dodong" ilabi na ang iya nga lolo nga…

3 hours ago