Local News

Top 1 most wanted person sa Bicol Region na naaresto sa Mandaue City, naibalik na sa kanyang court of origin

Iprinisenta na sa kanyang court of origin ang top 1 most wanted person sa Bicol na naaresto sa Mandaue City ng mga tauhan ng Pio V Corpus Police katuwang ang Mandaue City Police at iba pang operatiba ng PNP, sa ilalim ng Oplan Pagtugis.

Kinilala itong si Rey Pepito Buhia alias ‘Titing Bulanting Buhia,’ 45-anyos, may asawa, mangingisda at naninirahan sa Brgy Mabuhay, Pio V Corpus, Masbate.

Ayon sa Masbate PPO, naaresto si Buhia sa kanyang pinagtataguan sa Canduman Housing, Brgy Canduman ng nasabing lungsod noong Marso 3 ng kasalukuyang taon. Nahaharap ito sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Si Buhia ay nagtago ng mahigit 5 taon matapos na mapatay nito ang biktimang si Raymond Rosales Mahinay noong Mayo 22, 2017.

Hinihintay na lang ng Pulisya ang commitment order sa akusado na ibaba ng korte.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Alyansa ng Pilipinas sa Amerika sa WPS, pinaboran ng mahigit kalahati ng mga Pilipino

Hindi bababa sa 43% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-isa ng Pilipinas sa Amerika…

4 mins ago

Lalaki, sugatan matapos saksakin sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong…

10 mins ago

SILG Abalos, nanguna sa mga top performing Cabinete secretaries ng pamahalaan – survey

Nanguna si Interior Secretary Benhur Abalos sa top performing Cabinete secretaries ni Pangulong Bongbong Marcos…

11 mins ago

Menor de edad, wala ng buhay nang matagpuan sa Mauban, Quezon

Palutang-lutang at wala ng buhay nang matagpuan ang isang menor de edad sa Maapon River,…

16 mins ago

727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng…

23 mins ago

Mga bakawan sa Calabanga, Camarines Sur, kulang na kulang pa; kakaunting supply ng isda at ipa pang lamang dagat, problema pa rin

CAMARINES SUR - Kulang na kulang pa ang bakawan sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur,…

33 mins ago