Mahigit 200 indibidwal inilikas sa 2 baranggay sa Puerto Princesa; ilang bahay inanod ng baha

Iniulat ni Deputy Mayor for Southern Baranggay Rolando “Bong”Amurao na may mga inilikas mula sa Baranggay Inagawan-Sub at Luzviminda kagabi, March 29, 2022 dahil sa pagtaas ng tubig baha dulot ng malakas na ulan.

Sinabi ng opisyal na 225 indibidwal at 54 pamilya ang inilikas sa Bgy Luzviminda mula sa mga tahanan habang may naiulat din na nawalan ng tirahan matapos maanod ng rumaragasang tubig.

Nasa 49 pamilya at 158 indibidwal sa Bgy. Inagawan Sub. sa ngayon hindi pa matukoy ang totally damaged sa dalawang barangay.

Samantala, ngayong araw ay magkakaroon ng evaluation sa mga naapektuhan ng sama ng panahon dulot ng nalusaw na Low Pressure Area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *