Mahigit 200 indibidwal sa Pampanga, arestado sa SACLEO ng PNP

Arestado ng pulisya sa buong lalawigan ng Pampanga ang mahigit dalawandaang indibidwal, matapos ang ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO nitong weekends.

Umabot sa 203 ang mga naaresto, kabilang ang 30 na nahuli dahil sa illegal na droga, 23 naman ang dahil sa illegal gambling.

Naaresto rin ang anim na most wanted persons, 18 naman ang may standing warrant of arrest, at 126 ang mga naaresto dahil sa mga paglabag sa special laws and ordinances.

Samantala kasabay ng pagsasagawa ng SACLEO, puspusan din ang pagsasagawa ng oplan bandillio ng pulisya, o ang pagpapaalala sa publiko hinggil sa pagsunod sa public health protocol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *