Mahigit 2,000 katao, mabibigyan ng housing units sa isasagawang turnover ceremony sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Albay

LEGAZPI CITY – Aabot sa 2,000 katao ang mabibigyan ng housing units sa isasagawang turnover ceremony sa susunod na linggo sa pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Albay.

Sa isang panayam kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro, bibisita ang pangulo sa darating na Hunyo 14 para sa gagawing distribusyon ng mga housing units sa lungsod at sa bayan ng Tiwi.

Nasa kabuuang bilang na dalawang libo’t tatlong daan at animnapu’t isang housing units ang ipinapagawa sa mga settlement area, subalit isanglibo’t animnapu’t siyam pa lamang ang natatapos at nakatakdang ipamahagi kasabay ng pagbisita ng pangulo.

Aniya, ang mga residenteng nakatira sa squatter at danger zones area partikular na ang mga malapit sa dagat, ilog at landslide prone areas ay planong ilipat sa Brgy. San Vicente o ang Hiraya Manawari Village.

Sinabi pa ng alkalde, sa oras na matapos sa susunod na taon ang nasabing proyekto, inaasahan nito na mabibigyan din ang humigit-kumulang 10,000 katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *