Mahigit 20,000 ektarya ng coral reef sa South China Sea, nasira ng China

Ibinunyag ng isang think-tank mula sa Amerika na ang China ang nagdulot ng pinakamaraming pinsala sa ekolohiya sa South China Sea, sa pamamagitan ng destructive dredging at mga mapanirang pamamaraan ng pangingisda.

Gamit ang satellite imagery, natuklasan ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) na hindi bababa sa 4,500 ektarya ng mga coral reef ang nawasak ng China dahil sa paggawa ng artificlal islands.

Dagdag pa rito ang nasirang 16,300 ektarya na coral reefs dahil sa giant clam harvesting ng mga Tsino.

Ayon sa research associate at lead author ng AMTI report na si Monica Sato, ginagawa ito ng China upang patibayin ang mga istruktura o outpost sa nasabing lugar.

Inangkin na umano ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, at patuloy na lang binalewala ang 2016 international arbitral ruling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *