Mahigit 200k na ektaryang palayan at maisan, posibleng maapektuhan ni Betty – DA

Tinatayang 234 libong ektaryang palayan at maisan ang posibleng maapektuhan sa bagyong Betty.

Ayon sa Department of Agriculture, ito ay kung pagbabatayan ang ikinikilos at katangian ng bagyo.

Partikular sa mga posibleng maapektuhan ang Regions 1 , 2 , 3 at Cordillera Administrative Region.

Pinakamalaki sa maaari umanong maaapektuhan ay ang mga palayan na nasa 159 thousand hectares at 75 thousand hectares naman sa maisan.

Sa kabila nito, inihanda na ng kagawaran ang libu-libong bags ng mga rice at corns seeds at assorted vegetable seeds na maaaring maipamahagi sa mga maapektuhang magsasaka.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *