Mahigit 2,100 na indibidwal sa bayan ng Ibaan, Batangas, bakunado na kontra covid-19

IBAAN – Umaabot na sa kabuuang 2,152 na indibidwal sa bayan ng Ibaan, Batangas ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra covid-19 as of June 18 ngayong taon.

Ayon sa datos, umaabot naman sa kabuuang 559 ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.

Sa naturang bilang, pinakaraming nabakunahan sa bayan ay ang mga nasa A2 priority group o ang mga senior citizens kung saan nasa mahigit 1,400 na mga lolo at lola ang nabakunahan.

Nasa mahigit 400 naman sa A3 o yung mga indibidwal na may comorbidities ang nabakunahan na rin sa bayan.

Samantala, patuloy ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa lahat ng residente na magparehistro na upang makatanggap ng covid-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *