Mahigit 212-million halaga ng iligal na droga nasabat

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark kasama ang iba pang enforcement agency ang 31,250 grams ng shabu.

Ang parcel na dumating noong March 21 mula sa New Jersey, USA ay unang idineklarang routers.

Nang makatanggap ng impormasyon mula sa PDEA ang BOC tungkol dito ay isinailalim ito sa x-ray at K9 sniffing.

Nakita ang 29 na vacuum sealed transparent plastic na naglalaman ng crystalline substances at nang isailalim sa laboratory analysis ay nakumpirmang shabu.

Ayon sa BOC umaabot umano sa 212,500,000 ang halaga nasabing iligal na droga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BOC PORT OF CLARK

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *